Sugatan nang dalhin sa Ospital ng Palawan ang isang rider matapos makabanggaan ang L3 sa bahagi ng Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.
Ang biktima ay si Anton Alvarez 28- anyos ng Barangay Sicsican sa Puerto Princesa.
Sa inisyal na ulat, pauwi na sana ang biktima galing umano sa inuman bandang alas-kwatro ng umaga ngayong Huwebes nang mangyari ang aksidente.
Nagtamo si Anton ng sugat sa ulo at mga galos sa katawan.