Strong El Niño, nararanasan na sa bansa

KORONADAL CITY – NAKAKARANAS na ngayon ang bansa ng “strong” El Niño. Ito ang inihayag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO OIC Rolly Aquino batay sa advisory ng Pag-asa. Ang El Niño ay isang weather phenomenon na mula sa Pacific Ocean na maaaring makapagpabago ng temperatura at klima sa kalupaan.

Ito ay nagpapainit sa temperatura ng tubig sa Pacific Ocean kaysa sa karaniwan nitong temperatura. Isa sa mga epekto ng El Niño ay ang pagbaba ng bilang ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa. Ayon kay Aquino na ito ay magtatagal hanggang sa 2nd quarter ng taon ngunit ito’y inaasahang humina na sa buwan ng May at June. Pinasiguro naman ng opisyal na handa at nakalatag na ang El Niño contingency plan ng kanilang tanggapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *