Rider, patay matapos malunod sa dagat sa Mauban, Quezon

Patay na ng matagpuan ang ang isang Angkas rider sa dalampasigan matapos umanong malunod sa karagatang sakop ng Brgy. Cagsiay 1, Mauban, Quezon.

Ayon sa ulat ng pulisya, kasamang nag-overnight noon ng biktimang si Fernando Jose Bandalaria ang kanyang mga kaibigan sa isang beach resort sa naturang lugar.

Pero dakong alas 11:00 raw ng gabi nang umalis ang biktima sa nirentahan nilang kubo at hindi nagpaalam.

Agad itong hinanap ng kanyang mga kasamahan ngunit hindi agad natagpuan.

Kinaumagahan, doon tumambad sa kanila ang katawan ni Bandalaria na palutang-lutang sa dagat at wala ng buhay.

Hinala ng mga awtoridad, nalunod ang biktima ng dahil sa kalasingan at napag-alaman din na hindi ito marunong lumangoy.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *