Most Wanted Person, timbog sa Santa Cruz, Laguna

Tuluyan nang nadakip sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad ang isang lalaking Most Wanted Municipal level sa Mabini St., Brgy. Poblacion 3, Santa Cruz, Laguna.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang suspek na si alyas ‘Richard’ na residente ng Lumban, Laguna.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 28, Santa Cruz, Laguna.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Santa Cruz Municipal Police Station ang naarestong suspek para sa habambuhay na pagkakabilanggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *