Robbery suspect na napatay sa hot-pursuit ops, kinilala na

Tukoy na ng Police Regional Office 5 (PRO5)  ang robbery suspect na napatay ng mga pulis sa isang hot pursuit operations noong Miyerkules ng hapon, Agosto 23 sa Sitio Balading, Brgy Sto Domingo, Irosin, Sorsogon.

Kinilala ng tagapagsalita ng PRO5 na si PLtc Malu Calubaquib ang nasawi na si Roderick Bufete Cruz residente ng Brgy Salvacion, Irosin, Sorsogon.

Ayon sa imbestigasyon, hinoldap ni Cruz ang biktima na isang negosyante at residente ng Pto Diaz, ng halagang P52K sa Brgy Mapaso, Irosin saka tumakas.

Sa paglalarawan ng biktima sa suspek, naabutan ito ng mga pulis na nagbunsod ng labanan kung saan ito ay napatay.

Si Cruz ay nakasuot ng itim na sweatshirt, maong na pantalon at berdeng helmet at nakasakay sa isang pulang Honda XRM na motorsiklo.

Narekober mula sa suspek ang dalawang baril, 2 steel magazine at mga bala para sa nasambit na mga baril.

Ayon pa kay Calubaquib, ang suspek ay sangkot din sa isang robbery-holdup incident sa bayan ng Magallanes, Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *