Robert Bolick, nangunguna sa stats race para sa Best Player award

Nangunguna si Robert Bolick sa race para sa PBA Governors’ Cup Best Player of the Conference.

Ang NorthPort guard ay nakakuha ng 39.9 statistical points (sps) mula sa kanyang 21.8 points per game average para manguna sa lahat ng locals.

Maliban dito, top local rin si Bolick sa assists (8.8) at steals (2.2).

Sa kabila ng stellar numbers, ang kaso ni Bolick para sa BPC plum ay naapektuhan matapos na hindi nakapaglaro ang Batang Pier sa playoff spot kasunod ng kanilang thrilling loss sa Phoenix Fuel Masters noong Linggo.

Samantala, pumapangalawa naman ni Phoenix’s Matthew Wright sa 34.9 statistical points habang ang prolific TNT rookie Mikey Williams ang pumapangatlo sa 33.9 SPs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *