Novak Djokovic , inaasahang madedepensahan ang French Open title

Inihayag ng French Open organizers na pinapayagan si Novak Djokovic na madepensahan ang kanyang titulo sa tournament na inihahanda sa inaasahang magiging first Grand Slam nang walang anung COVID-19 related restrictions.

Mababatid na tinanggal na ng France ang restrictions sa halos lahat ng public spaces, maliban sa mga ospitals, nursing homes at public transports.

Ibig sabihin, papayagan na ang Roland Garros stadium na makapag-operate sa full capacity.

Matatandaan na ang 20-time Grand Slam winner ay hindi nadepensahan ang kanyang Australian Open title noong Enero matapos na ideport dahil sa kanyang pagiging unvaccinated status laban sa coronavirus. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *