Romualdez – wi-nelcome ang mataas na trust ratings

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na patuloy na magtatrabaho ang Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos makakuha ng mataas na rating sa isang latest survey.

Sa OCTA Research Survey ay nakakuha ang Kamara ng 54 percent na satisfaction mula sa publiko habang ang trust rating ay naitala sa 55 percent.

Ayon kay Romualdez, magsisilbi itong inspirasyon sa kanila para magsumikap na panatilihin ang tiwala ng taumbayan.

Nangako ang House leader na pagtutuunan pa rin nila ng pansin ang pagpapababa ng presyo ng bigas, sibuyas at iba pang basic commodities gayundin ang pagtulong sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng government measures tulad ng retailers, maliliit na traders at nagtitinda sa palengke.

Dagdag pa nito, tutugunan ng Kongreso ang supply at production side ng commodity prices lalo na sa usapin ng pagsuporta sa agriculture sector, overseeing function sa mga programa ng pamahalaan at paglalaan ng pondo sa ilalim ng pambansang budget.

Samantala, iginiit naman ni House Deputy Speaker Aurelio Gonzales na ang mataas na satisfaction at trust rating sa survey ay sumasalamin sa pananaw ng mamamayan sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *