Russia tinanggal mula sa World Cup

Inanunsyo ng FIFA at UEFA na enexpel na nila ang Russia mula sa World Cup, matapos suspendehin mula sa lahat ng international competitions “until further notice”.

Ang men’s team ay nakatakda sanang maglaro sa qualifying play-offs ngayong buwan para sa World Cup sa Qatar, habang ang kanilang women’s side ay pasok na sa European Championship sa England na isasagawa naman sa Hulyo.

Ang naturang anunsyo ay makakaapekto rin sa Russian clubs na kasama sa European competitions.

Una nito, sinabi ng FIFA na papayagan ang Russian teams na patuloy na makapaglaro sa ilalim ng pangalan ng Football Union of Russia, na maglalaro sa home games sa neutral territory at closed doors, pero ban ang pagtataas ng Russian flag at anthem.

Pero agad na binago ng FIFA ang kanilang approach at tuluyan nang sinipa ang Russia palabas ng sport’s showpiece tournament.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *