Safety seal certificate, iginawad sa Cauayan City Hall

Ginawaran ngayong araw, July 9, 2021 ang Cauayan City Hall ng safety seal certificate ng Department of the Interior and Local Government, PNP at BFP.


Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Mayor Bernard Dy, pagkatapos isailalim sa balidasyon na sumusunod ang LGU sa mga umiiral na health protocols at guidelines kontra COVID-19 ay iginawad na ang safety seal certificate.


Aniya, ito ay upang matiyak ang proteksyon at seguridad ng mga kababayang nagtutungo sa munisipyo mula sa banta ng virus.


Giit ni Mayor Dy, simula pa noong una na tumama ang pandemiya ay sumusunod na ang City hall sa mga panuntunan at sa katunayan aniya ay nagkaroon na rin ng mga innovations.

Ayon pa sa kaniya, kailangan lang na masigurong namimentena ang mga ito.


Nagpasalamat naman ang alkalde sa DILG, PNP at BFP sa paggawad ng safety seal certificate habang pinaalalahanan din ang lahat na patuloy ang maigting na pagsunod sa mga health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *