Sagñay, Drug Cleared na!

CAMARINES SUR — Opisyal nang idineklara bilang Drug Cleared/Drug Free Municipality ang bayan ng Sagñay, sa Partido Area kahapon, kasabay ng paggawad ng pagkilala sa pagiging epektibong tagapagatupad ng Barangay Drug Clearing Operations sa labing siyam (19) na barangay nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mayor Jovi Fuentebella, binigyang-diin nito na hindi nagtatapos ang kanilang adbokasiya at mga programa sa nasabing deklarasyon bagkus magpapatuloy ito at mas lalong palalakasin ang kampanya kontra illegal na droga sa pamamagitan ng pagbibigay-atensyon at alternatibong gawain sa mga person who used drugs upang hindi na ito muling maligaw ng landas.

Kaugnay nito, kasabay ng paghihikayat sa publiko na huwag matakot na magsumbong, ayon naman kay Police Major Michael  Albania, ang Chief of Police ng Sagñay Municipal Police Station, ipagpapatuloy pa rin nila ang mahigpit na monitoring sa mga impormasyong natatanggap na may kaugnayan sa illegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *