Motor na ginamit sa pagnanakaw, nakaw din; may-ari, lumutang

Lumutang na kahapon, Abril 18 ang may ari ng motorsiklong ginamit ng magnanakaw sa Barangay Bacungan, Puerto Princesa na nangyari noong unang Linggo ng Abril sa tahanan ng isang Kagawad.

Ang may-ari ng motor ay si Aden Masod, na residente ng Maasin, Brookes Point.

Ayon kay Aden, matagal na nilang hinahanap ang motorsiklong gamit ng kawatan, dahil ito daw ay ninakaw din sa kanilang lugar.

Dagdag pa nito, posibleng ang magnanakaw na pumasok sa tahanan ng isang kgd sa bgy bacungan, ang siya ring nagnakaw ng kanyang motorsiklo.

Kaugnay nito, Agosto pa ng taong 2023 nang mawala ang motorsiklo na kanya na ring ipina-blotter sa PNP.

Samantala matatandaan ng ireklamo sa Brigada News ang nangyaring pagnanakaw sa tahanan ni margie anjan, kung saan natangay ng kawatan ang tatlong cp at pera sa loob ng kanilang bahay at mabilis na tumakas gamit ang nakaw din na motorsiklo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *