Sandy Cays na bahagi ng Pag-asa island sa WPS, nasa ‘degraded state’ na

Nasa degraded state ang Cay 1, Cay 2 at Cay 3 na bahagi Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Ito ang resulta ng ginawang marine assessment ng UP Institure of Biolgy, Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nitong buwan ng Marso

Ayon kay Dr. Jonathan Anticamara ng UP Institute of Biology, marami sa mga bahura o corals ang patay na. Wala na rin daw gaanong isda sa lugar kung mayroon man ay maliliit na lamang.

Mayroon ding nakitang tambak na mga sirang coral reef sa naturang bahagi ng WPS, na maituturing na hindi naturally formed at posibleng dahil umano sa ginagawang aktibidad sa Pag-asa Cays, dahilan din upang lumawak ang area nito.

Paliwanag ni Anticamara, resulta ito ng posibleng overfishing, climate change o kaya naman ay dahil sa island building sa WPS.

Pero batay sa itusra ng Pas-asa Cay, malaki aniya ang posibilidad na hindi ito dahil sa natural occurances.

Kaya rekomendasyon nila sa mga otoridad, paigtingin ang monitoring at assessment sa impact nito sa reef biodiversity.

Nang tanungin naman si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea – Commo Jay Tarriela, kung sino ang posibleng may kagagawan nito – sinabi niyang wala nang iba pang dapat pagsuspetsyahan kun’di ang China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *