RTWPB – inumpisahan na ang pagre-review sa mga sahod

Nagsimula na ang review ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga sahod ng mga Pilipino sa iba’t ibang rehyon sa bansa.

Ito ay makaraang ipag-utos nitong Labor Day ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagrepaso sa mga minimum wages bunsod ng inflation.

Sabi ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma, lumarga na ang paga-aral dito ng RTWPB.

Sa katunayan, bago pa man daw ang order ng Pangulo, ay nag-umpisa na sila para rito.

Ito’y kahit na bago pa ang deadline na inilatag na 60 days bago ang anniversary ng pinakahuling wage increase.

Magpupulong na rin umano ang RTWPB at ang National Wages and Productivity Commission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *