SC, inatasan ang NCR LGUs na sumunod sa MMDA ticketing system

Naglabas ng desisyon ang Korte Suprema sa Metro Manila single ticketing system para sa mga traffic violations na pumipigil sa mga traffic enforcer ng LGU na mag-isyu ng mga violation receipt maliban kung sila ay deputized ng MMDA.

Ayon sa korte, hindi wasto ang probisyon na nagbibigay ng kapangyarihan sa bawat isa sa kanila na mag-isyu ng mga ordinance violation receipt sa mga lumabag na driver at motorista.

Kaugnay nito, sinabi naman ng korte na hindi maapektuhan ng inilabas na desisyon ang awtonomiya ng bawat sa LGU sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *