Schedule para sa satellite registration ngayong Pebrero sa pagsisimula ng voter’s registration, inilatag na ng COMELEC Naga

NAGA CITY – Puspusan na ang paghahanda ng Commission on Election o COMELEC Naga, sa nalalapit na pagsisimula ng Voter’s Registration sa Pebrero 12, para sa National at Local Election sa taong 2025, kung saan, inilatag na rin ang schedule para sa satellite registration.

Sa Pebrero 16, para sa mga senior citizen at mga Person’s With Disability o PWD na magaganap sa Puiblic Safety Office Hall, ang tinatawag na Registration Anywhere Program (RAP) sa Pebrero 22 hanggang 23 gaganapin sa SM City Naga, pagdating naman ng Pebrero 28, sa Cararayan, Barangay Hall at sa Pebrero 29, sa Balatas, Barangay Hall naman na bukas simula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Ayon kay Atty. Maico Julia Jr, target ang nasa isang daan hanggang dalawang daang magpaparehistro bawat araw.

Ang RAP, ay special registration na bukas para sa lahat ng gustong magparehistro kahit hindi taga Naga, ibig sabihin taga ibang lugar ka man na nagtatrabaho lamang sa lungsod ay maaari kang mag-avail ng programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *