School head maaaring magsuspinde ng klase kung kinakailangan kapag walang issuance ang LGU

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education na maaaring magsuspinde ng klase ang mga school head kung hinihingi ng pagkakataon at walang issuance ang Local Government Unit.

Ito ang paglilinaw ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo sa maikling mensahe nito sa Brigada News FM Daet.

“In the absence of LGU issuance , the school head may suspend as the situation calls for it in their respective school location and to conduct make up classes,” bahagi ng mensahe ni Guemo.

Kasunod yan ng kabiguan ng ilang LGU sa lalawigan partikular na ang kabiserang bayan ng Daet na magdeklara agad ng suspensiyon ng klase nitong Huwebes, Enero 5, sa gitna ng naranasang malakas na pag ulan dahil sa Low Pressure Area at Shear line.

Huli na nang magdeklara ng suspension of classes ang LGU Daet dahil nakapasok na sa eskwelahan ang mga bata.

Sa pag- iikot ng Brigada News team nakunan ng larawan at video ang pagsuong sa malakas na ulan ng mga estudyante sa ilang eskwelahan dito sa Daet na bukod sa lamig ng panahon ay problemado rin sa paghihintay ng masasakyan.

Matatandaan na noong Setyembre 2022 ay ipinalabas ang DepEd Order No. 37 series of 2022 na nagtatakda ng guidelines sa pagkansela o pagsuspinde ng klase at trabaho sa mga eskwelahan kapag may Natural Disaster, Power Outages/Interruptions, at iba pang kalamidad.

Sa ilalim ng naturang DepEd Order na pirmado ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, kanselado ang klase at trabaho sa mga eskwelahan kapag may malakas na bagyo o typhoon, heavy rainfall, flood, earthquake, and power outages/power interruptions/brownouts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *