Screening and releasing ng Covax number sa Legazpi City hinigpitan

LEGAZPI-Mas naghigpit ngayong an lokal na pamahalaan ng lungsod ng legazpi sa pagbibigay ng Covax number na magpapabakuna kontra Covid-19.

kahapon, sinagawa na ang screening at releasing ng mga numero para sa mga Legazpeñong kasama sa A3, A4 at A5 category group na nakapag rehistro na sa Legazpi City Electronic Immunization Registry para mabakunahan na.

Ayon sa report, nirequire na nila ang balidong identification card para malaman kung talagang residente ito o nagtatrabaho sa lungsod.

ayon rin kay mayor Noel Rosal simula alas 10 ng umaga hanggang alas 7 kagabi nagbigay ng numero ang personnel ng City Health Office dalawang mall sa lungsod.

Samantalang ang pagbabakuna ng Pfizer ay isasagawa bukas hanggang sa webes sa Legazpi City Convention Center.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *