Tatlong health isolation facilities, itinurn-over ng DPWH 12

KORONADAL CITY- ITINURN-OVER na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) DPWH Region 12 sa Local Government Unit o LGU Polomolok ang P 21.9 million na halaga ng modular isolation facility na ipinatayo sa Brgy. Pagalungan.

Ang naturang isolation facility ay mayroong 32 mga isolation rooms na may hiwalay na quarters para sa mga babae at lalaki, airconditioning system, higaan at comfort rooms.

Maliban sa isolation rooms, ito ay mayroon ding doctor at nurse station, electrical room, laboratory, laundry area, mess hall, kusina at gender-responsive utilities para sa mga may special needs at generator set.

Napag-alaman na inaatasan ang mga LGU sa lalawigan na i-expand ang kanilang quarantine at isolation facilities at i-maximize ang paggamit nito para sa mga mild at asymptomatic cases.

Maliban sa Polomolok, itinurn-over na rin ng DPWH-12 ang 40-bed isolation facility sa Barangay Buayan sa General Santos City at ang 80-bed health isolation facility sa Alabel, Saranggani.

Ang mga ito ay inaasahang makatutulong sa kakulangan ng mga isolation facilities dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa Soccsksargen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *