Search, rescue and retrieval ops sa mga biktima ng landslide sa Leyte, tatapusin na ngayong araw

Kinumpirma ng Office of Civil Defense – Region 8 na tatapusin na nila ngayong araw ang search, rescue and retrieval operations sa mga biktima ng landslide sa Abuyog Leyte.

Ito ay matapos i-ulat ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na lubhang delikado ang lugar sa Abuyog para sa mga rescuer dahil ‘susceptible to landslide’ pa rin ito sa ngayon.

Ayon kay OCD-8 Regional Director Lord Byron Torrecarion sa ngayon nasa 104 pang mga indibidwal ang missing matapos matabunan ng lupa noong kasagsagan ng bagyong Agaton.

Nilinaw naman ni Torrecarion na tanging ang search and retrieval operation lamang sa Brgy. Pilar sa Abuyog at mga Barangay Mailhi at Bunga sa Baybay City ang tuluyan nang ititigil ngayong araw habang magpapatuloy naman ang paghahanap sa mga nawawalang biktima sa Brgy. Kantagnos.

Bagama’t napakaliit na lang ng tiyansa na may makikita pa silang buhay, sinabi ni Torrecarion na hindi naman sila nawawalan ng pag-asa na may mahahanap pang survivor sa huling araw ng search, rescue and retrieval operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *