Aktibong kaso ng COVID-19 sa City of San Fernando, 2 na lang

Bumagsak sa dalawa ang natitirang aktibong kaso ng Covid-19 sa City of San Fernando.

Sa huling datos na inilabas ng city Information Office, walang naitalang bagong kaso sa lungsod kaya’t nananatili sa 14, 303 ang bilang ng kanilang confirmed cases.

Habang nadagdagan pa ng isa ang bilang ng mga gumaling, kaya’t umakyat na sa kabuuang 13, 961 ang kanilang recoveries.

Nananatili naman sa 340 ang mga naitalang nasawi sa San Fernando dahil sa Covid-19.

Samantala, ang dalawang aktibong kaso ay mula sa Brgy. Calulut at Saguin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *