Seguridad ng mga election paraphernalias, tiniyak ng Naga City treasurer’s office; COMELEC Naga naman, handang-handa na rin para Barangay at SK election

NAGA CITY – Dumating na ang ibang mga paraphernalia’s na gagamitin para sa Barangay at SK Election sa Naga City, ngayong araw.

Kung saan una nang dumating ang nasa 200 mga ballot boxes na gagamitin.

Sa pakikipag-usap kay Ma. Socorro Gayanilo, Naga City Treasurer’s Office Head, tiniyak nila ang seguridad ng mga gagamitin para sa halalan lalo na ang mga ballot boxes, isa ito sa mga trabaho at obligasyong pangalagaan upang walang maging problema. Iniiwasan din kasi ang mga posibilidad na dayaan.

Inaasahan pang darating ang iba pang mga paraphernalia’s, sa ngayon mga envelop, mga ballpen at pen, packing tape at iba pa ang dumating na. Ang ballot boxes dadagdagan na lamang ng mga lumang ballot na nasa opisina.

Ayon naman kay Atty. Maico Julia, Election Officer ng COMELEC Naga, handang-handang na sila para darating na election at tiniyak din ang seguridad ng mga gagamitin. Magkakaroon pa ng muling pag-uusap sa mga stakeholders at mga ahensya lalo na sa CASURECO 2 upang tiyakin na walang magiging problema sa kuryente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *