Seguridad ng PNP para sa FIBA World Cup – kasado na bukas

Nasa tatlong libong mga partisipante ang inaasahan sa pagbubukas ng FIBA World Cup bukas sa bansa.

Ayon sa PNP Public Information Office, kinabibilangan ito ng mga FIBA members ,mga dadalo sa world congress, local organizers, mga opisyal ng gobyerno, media at mga kinatawan ng mga embahada.

Mula sa nabanggit na bilang, dalawang libong bisita ang darating mula sa ibang bansa.

Nakalatag na ang deployment ng mga security personnel na silang magtitiyak ng seguridad sa lahat bng venues at billeting areas ng mga kalahok, kabilang dito ang 2,589 opisyal mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 363 opisyal mula sa Police Regional Office 3 (PRO 3), at 2,904 na tauhan mula sa iba pang ahensya ng gobyerno at force multipliers.

Nauna nang pinaalalahanan ng pamunuan ng PNP ang mga pulis na mapapasama sa deployment sa FIBA na iwasan ang pakikipag selfie sa mga familiar faces ng mga delagasyon na kalahok sa sport event.

Dapat tutukan lamang ng mga pulis ang kanilang misyon na tiyakin ang seguridad ng mga manlalaro, coaches at iba pang kabilang sa kanilang delegasyon mula sa paliparan, billeting areas hanggang sa mga lansangan na daraanan ng kanilang convoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *