Lalaking kumain ng karne ng aso—patay matapos magpositibo sa rabies sa Bacacay, Albay

PATAY ang isang lalaki matapos na magpositibo sa rabies at encephalopathy sa bayan ng Bacacay, Albay matapos na makakain ng karneng aso.

Batay sa ulat, una na itong in-admit sa Ziga Memorial District Hospital matapos na makaranas ng matinding sakit sa puson.

Una, in-isolate ito sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) at nadiskobre na mayroong mga sintomas ng taong na-infect ng rabies tulad ng hydrophobia o takot sa tubig, takot sa liwanag at hangin at ibang kilos tulad ng nauulol na aso.

Aabot naman sa 29 katao ang close contacts ng biktima ang mahigpit ngayon na mino-monitor ng Provincial Health Office (PHO).

Lumalabas kasi na, nai-transmit ang tulad nitong virus sapamamagitan ng bodily fluids matapos gumamit ng baso sa inuman kasama ang 14 katao na kung saan, 4 rito ang kanyang kapamilya at 11 mga iba pang contacts na pawang mga health care workers at mga pasyente na in-admit sa Ziga.

Nagsagawa naman ang PHO ng barangay assembly sa Brgy. Gubat patungkol sa rabies prevention and awareness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *