Seguridad sa Covid-19 Isolation Facility mas hinigpitan sa bayan ng Jose Panganiban

CAMARINES NORTE- Nagtalaga ang LGU Jose Panganiban ng mga security watchmen upang magbantay at magbigay ng seguridad 24 oras sa COVID-19 Isolation facility

Ito ay dahil sa hindi inaasahang paglobo ng bilang ng mga mamamayan sa natur5ang bayan na nagpopositibo sa COVID19 ngayong buwan ng Agosto.

Ayon kay Mayor Ariel M Non,  Pansamantala munang isinara ang kalsada sa pagitan ng Roy Padilla Memorial Stadium at ng JOMAPA Convention Center upang mas maayos na mabantayan ang kanilang mga residente

Gayundin upang matutukan ang mas komprehensibong contact tracing at mas pag-ibayuhin pa ang serbisyo ng Municipal Isolation Facility.

Siniguro rin ng naturang LGU na kanilang maibibigay ang primaryang pangangailangan ng mga kababayan nilang nananatili sa isolation facility.

Regular rin ang ginagawang pagbisita ng mga kawani ng Municipal Health Office upang imonitor ang kalusugan ng mga COVID-19 patients.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *