Dating alkalde ng Sto Domingo, Albay, bagong regional director ng DOT Bicol

BICOL—Nanumpa na si dating Sto. Domingo Mayor Herbie Aguas bilang bagong Regional Director ng Department of Tourism (DOT) Bicol.

Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper nito bilang Director IV noong Biyernes.

Nabigyan na rin ng kopya ng oath of office mula sa Palasyo ng Malakanyang ang Civil Service Commission (CSC).

Nagpahayag naman ng suporta si Albay Governor Al Francis Bichara sa appointment ni Aguas.

Sa mensahe nito, ipinahayag ng gobernador ang kanyang kumpiyansa sa kakayanan ng bagong opisyal na pamunuan ang DOT sa gitna ng malaking hamon ngayong may pandemya.

Anya, naniniwala siyang makakabangon ang turismo sa Bicol at mas aangat pa sa pag-upo ni Aguas bilang regional director.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *