Seguridad sa mga turistang dumarayo sa Naga City, tiniyak

NAGA CITY – Tiniyak ng Naga City Police Office o NCPO, ang seguridad ng mga turistang dumarayo sa lungsod lalo na ngayong bukas na ang mga pasyalan pati mga  paliguan sa Mt. Isarog Natural Park.

Ito ang sinabi ni PLtCol Errol Garchitorena, Deputy City Director for Operations ng NCPO. Nag iikot at nag-iinspeksyon ang kanilang Tourist Police.

Pinupuntahan ang bawat hotels, apartment, business establishments at mga lugar na madalas pinupuntahan ng mga turista hindi lang ng mga foreigner bagkos ng mga turistang galing lamang sa ibang bayan ng Camarines Sur.

Kinukuha at obligasyon rin ng mga Tourist Police ang alamin kung saan pumupunta ang mga turista upang malaman rin ng mga ito na handa at nariyan ang mga pulis sa oras na nangangailangan sila ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *