Ilang mga manok vendors sa NCPM nababahala sa posibleng epekto ng Bird Flu sa kanilang negosyo

NAGA CITY- Nababahala ang ilang mga nagtitinda ng karneng manok sa Naga City People’s Mall sa posibleng epekto ng Bird Flu sa kanilang negosyo , ito ay matapos na ideklara ng Department of Agriculture ang Avian Influenza (AI) o H5N1 outbreak sa bansa.

Sa lalawigan ng Camarines Sur ang Bula at Sipocot ang nakapagtala subalit ayon sa DA-Bicol naagapan naman itong kumalat. Gayunpaman nag aalala si “Bebot” hindi buong pangalan na baka lalong humina ang benta. Kwento nito sa Brigada News FM batid nila at ng publiko na maaaring may epekto sa kalusugan ng tao ang sakit ng mga manok, itik , gansa at iba pang katulad na hayop.

Karaniwang sintomas ng bird flu ay lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan, pagduduwal, pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka

Hiling nito sa mga may poultry farms at mga malalaking negosyante sumunod sa mga ipinapayo ng eksperto upang hindi na lulala ang problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *