Sen. Zubiri itataya umano ang kanyang posisyon kapag na tuloy ang Cha-Cha

Handa si Sen. Juan Miguel Zubiri na itaya ang kanyang pagka-Senate President kung mabago pati ang mga probisyong pulitika ng Saligang Batas.

Sinabi pa ni Sen. Zubiri halos lahat ng mga nakausap niyang Senador ay umaayon lamang sa economic amendments kaya hindi kailangan pangambahan ng publiko ang kanilang isinusulong na pagbabago sa konstitusyon.

Dagdag pa ni Zubiri na hindi papayag ang Senado kung magpapasa ang political amendments ng Kamara.

Ayon naman kay Sen. Jiggoy Estrada na buo ang kanilang suporta sa Senate President.

Dagdag niya kung babaguhin ang Saligang Batas sa pamamagitan ng people’s initiative tulad ng gusto ng nasa likod ng pangangalap ng pirma hindi umano masisiguro kung economic provision lang ang gagalawin.

Sa ilalim ng resolusyon ng Senado uupo ang Senado at Kamara bilang constituent assembly para maisagawa ang charter change.

Hiling niya sa mga nasalikod ng signature campaign na tigilan na ang pagpapapirma lalo na’t may alegasyon na pera kapalit ng pirma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *