Pope Francis, kinondena ang pinakabagong pag-atake ng Iran sa Iraq

Kinondena ni Pope Francis ang pag-atake ng missile ng Iran sa rehiyon ng Kurdistan sa hilagang Iraq, at hinimok ang lahat ng partido na iwasan ang paglala ng mga hidwaan sa Middle East.

Nakiisa ang Santo Papa sa mga biktima ng tumamang missile sa isang urban area ng Erbil, ang kabisera ng autonomous na rehiyon ng Iraqi Kurdistan.

Pinalalim nito ang hidwaan mula nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas noong Oktubre.

Sumabak din ang mga kaalyadao ng Iran sa labanan ng dalawang panig, mula sa Lebanon, Syria, Iraq at Yemen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *