Senador hinimok ang NBI na imbestigahan ang doktor na tumanggi umanong tumulong kay Salilig

Hinimok ni Senator Francis Tolentino ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang doktor na umano’y tumangging magbigay ng tulong medikal sa hazing victim na si John Matthew Salilig.

Sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Tolentino na batay sa affidavit ng isa sa limang suspek na si Ralph Benjamin Tan alyas Scottie, tumanggi umano ang doktor na tulungan si Salilig.

Samantala, sinabi ni NBI agent Joseph Martinez, na kumuha ng salaysay ni Tan, na sinusubukan pa nilang kilalanin ang doctor.

Ayon naman sa senador, dapat kasuhan ang doktor dahil sa paglabag sa Hippocratic Oath.

Tinapos ng Senate Justice and Human Rights panel ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Salilig pagkatapos ng dalawang pagdinig.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *