Baka sa Australia, may kakaiba at pambihirang body markings na hugis “Smiley Face”

KAKAIBA ang isang alagang baka sa Australia dahil sa taglay nitong pambihira at hindi pang karaniwang body markings na tila ba may hugis ng nakangiting mukha o smiley face sa katawan nito.

Ang nasabing baka ay alaga ng mag asawang Megan at Barry Coster sa kanilang lupain sa West Gippsland Victoria, Australia kung saan tinawag nilang “Happy” ang nasabing baka alinsunod sa marka na meron ito sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa mag-asawa nung una naghinala sila na baka drawing lamang ang smiley face sa katawan ni Happy ngunit napatunayan nila na totoo ang naka ukit na mukha sa katawan ng baka nang makita nila ito ng harapan.

Sa ngayonn lubos na natutuwa ang mag-asawa sa nabibigay na aliw ni Happy kung kaya’t nais na umano nila itong gawing pet at mascot ng kanilang lupain.###CD  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *