Senador, pinapa-fast track ang resolusyong kokundena sa pangha-harass ng China

Naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na sumusobra na ang Tsina sa pangha-harass at pambu-bully nito sa Pilipinas.

Ito ay matapos ang nakaraang insidente na siyang naging dahilan ng pagka-injure ng apat na kawani ng Philippine Navy dahil sa pagpapaputok ng water cannons ng China Coast Guard sa Unaizah May.

Kaugnay nito, nanindigan si Hontiveros na marapat lang na i-fast track na ang paghahain ng resolusyon sa United Natuons General Assembly (UNGA).

Kung saan, layunin nitong kondenahin ang patuloy na pangha-harass at pambubully ng China sa mga Pilipinong nasa West Philippine Sea.

Dagdag pa niya, kailangan na rin talaga itong gawin ng gobyerno bago pa mahuli ang lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *