Pilipinas: dapat nang lumayas ang Chinese vessels sa Ayungin Shoal

Nag-demand ang Gobyerno ng Pilipinas sa China na kaagad na nitong alisin ang kanilang mga barko sa Ayungin Shoal.

Ito ang naging utos ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos nitong ipatawag si Chinese Deputy Chief of Mission Zhou Zhiyong.

Sa naging opisyal ng posisyon ng Pilipinas – idiniin ng DFA na malinaw na paglabag sa soberanya at hurisdiksyon ng Pilipinas ang mga ginawang aksyon ng China.

Matatandaang nagkaroon ng serye ng harassment ang Chinese Coast Guard at mga Chinese Militia vessels kahapons sa naging resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Kabilang na rito ang ginawa nilang pagbangga sa barko ng Philippine Coast Guard na nagresulta ng pagkakaroon nito ng minor damage; pati na rin ang muling paggamit ng water cannons sa Unaiza Mae 4, dahilan para mabasag ang wind shield nito at masugatan ang apat na mga personnel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *