Pimentel, pabor na luwagan ang ilang panuntunan na sinusunod ng mga mambabatas

Bukas si Senate Minority Leader Koko Pimentel na luwagan ang ilang mga panuntunan na sinusunod ng mga mambabatas sa Mataas na Kapulungan.

Pero ayon kay Pimentel na ang mga improvements ay kailangan obserbahan pagdating sa pagsasagawa ng proceedings sa plenaryo.

Ang pahayag nito, ay kasunod ng naging puna ni dating Senate Pres. Franklin Drilon, kaugnay sa asal ng mga senador.

Sa gitna nito, hinimok din ni Pimentel na dating Senate President ang kanyang kapwa mga senador na magkaroon ng mas magandang presensya sa plenary discussions.

Sinabi ni Pimentel na naobserbahan umano niya ito sa plenary debates para sa Maharlika Investment Fund bill, na bagama’t marami umano ang nagpahayag ng suporta para sa naturang panukalang batas, pero konti lang ang present sa discussions.

Sa kabilang dako, pabor naman ang senador na luwagan din ang required attire para sa mga mambabatas, dahil maging ang Spanish parliament, ang mga opisyal umano ng gobyerno ay nagsusuot na ngayon ng casual clothes. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *