DOH, may inaasahang bagong batch ng donations ng bivalent vax sa bansa

Nagpapatuloy umano ang mga negosasyon ng Philippine Government para makakuha pa ng karagdagang donasyon ng mga bivalent COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, nakikipag-ugnayan na sila sa COVAX facility para sa magdo-donate ng karagdagang two millon doses.

Sa ngayon, wala pa raw tiyak na petsa kung kailan ito darating sa bansa.

Kung maaalala, una nang sinabi ng kalihim na ang unang dumating na 390,000 doses ay kulang pa sa pangangailangan ng bansa. //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *