Senate Sports Panel chair Sen. GO, hinimok si Justin Brownlee na harapin ang imbestigasyon matapos bumagsak sa drug test

Hinimok ni Senate Committee on Sports Chairperson, Senator Christopher “Bong” Go si Gilas Star Justin Brownlee na maghanda sa posibleng pagsuri muli ng sample mula sa kanya.

Ito ay matapos magpositibo ni Brownlee sa Carboxy-THC na isang sangkap sa cannabis na isa sa mga ipinagbabawal sa listahan ng world anti-doping agency.

Ayon kay Go, kahit ano man ang lumabas na resulta ay handa silang kaharapin ito.

Dagdag pa ni Senador Francis Tolentino, sa kabila nito ay mabuti pa’t hintayin muna ng publiko ang magiging resulta ng nasabing proseso.

Samantala, binigyang-diin naman ni Senador Jinggoy Estrada na nasa ilalim pa ng imbestigasyon ang “doping allegation” na kinasasangkutan ni Brownlee at hindi pa ito kasalukuyang nareresolba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *