Higit sa sampung estudyante, sinapian daw sa Bohol

Sinaniban umano ng masamang espiritu ang hindi bababa sa 14 na mga estudyante ng Hinawanan National High School sa bayan ng Loay sa Probinsya ng Bohol habang nasa klase.

Ito ang kinumpirma ni Police Staff Sergeant Donald Curan, ang chief investigator ng Loay Police Station.

Inilarawan nito na kadalasan sa mga mag-aaral ay bigla na lang umanong nagalit at nagsisigaw at sobrang lakas umano nito ng kanila itong nirespondehan.

Sinasabing sa assessment ng pulisya, malaki ang posibilidad na ito nga ay napasukan ng masamang espiritu o na-possess kahit na hindi sila masyadong aggresive ngunit palagi itong nagsisisigaw.

Ang mga estudyante ay tinulungan ng pari sa lugar kaya sila ay kumalma ngunit may iilan sa kanila ang dinala sa Rural Health Unit para sa karagdahang eksaminasyon.

Sinabi pa na isa umano sa mga estudyante sa nabanggit na paaralan ang nakakita ng ma-itim na tao dahilan upang agad silang nagsagawa ng holy mass.

Sa ngayon, nakabalik na sa paaralan ang naturang mga estudyante matapos na matingnan ng mga doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *