Sentinel piglets, ipinamahagi ng da sa probinsya ng Nueva Vizcaya at Quirino

Namahagi ang Department of Agriculture Regional Field Office 2 kasama ang mga Barangay Bantay sa ASF (BABAY ASF) ng sentinel piglets sa mga rural hog growers sa probinsya ng Nueva Vizcaya at Quirino.

Ito ay sa ilalim ng Integrated National Swine Program Initiative for Recovery and Expansion o INSPIRE na inilunsad noong Pebrero na layong lutasin ang problema sa African Swine Fever at maibalik ang sigla ng hog industry sa bansa.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, tinanggap ng mga rural hog raiser mula Kayapa, Dupax del Norte, Bayombong, Bagabag, Bambang, Villaverde at Kasibu, Nueva Vizcaya ang naturang mga sentinel piglets mula DA RFO2.

Ayon kay RTD Dr. Roberto Claro Busania, bawat hog grower ay nakatanggap ng isang sentinel piglet 3 kaban ng feeds at vitamins kung saan 40 days itong i-momonitor ng ahensya,.

Aniya, kung sa loob ng 40 na araw ay negatibo ang mga ito sa ASF ay mabibigyan muli ang mga hog growers ng tatlo pang baboy.

Bukod dito ay nabigyan din ng sentinel piglet ang mga hog growers mula Diffun, Cabarroguis, Aglipay, at Saguday Quirino.

Sa ngayon ay nasa 63 na biik na ang naipamahagi ng DA RFO2 sa Nueva Vizcaya habang 70 naman sa probinsya ng Quirino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *