81 day care workers sa isabela, binigyang pagkilala ng PGI

Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang serbisyo ng nasa 81day care workers sa probinsya kasabay ng pagdiriwang ng Child Development Worker’s Week.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang kontribusyon ng naturang mga day care workers sa pag-aalaga ng mga batang nasa 2-4 na taong gulang at pagseserbisyo sa loob ng 30 na taon sa sa mga day care centers sa probinsya.

Nakatanggap sila ng Certificate of Recognition, cash gift, hygiene kits at stuffed toys.

Sa parehong aktibidad, 3 ang nakatanggap ng Exemplary Service Award matapos ang 41 na taong pagseserbisyo na kinabibilangan nina Digna Bartido ng Alicia, Arceli Cabutotan ng Mallig at Perlita Morales ng San Agustin, Isabela.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Children Service Focal and Protective Services Division Chief Alice Tamayao ang kahalagahan ng pag-aalaga at pagprotekta sa mga bata.

Hinikayat naman ni DSWD RFO Project Development Officer III/Head Romel Tejada ang mga Child Development Workers na maging maalaga at agad na tugunan ang pangangailangan ng mga batang inaalagaan sa kanilang day care centers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *