Shabu cover up: 2 mataas na opisyal ng PNP, haharapin ang reklamo sa kanila

Handa raw harapin ng dalawang mataas na opisyal ng Philippine National Police ang isinampang reklamo laban sa kanila sa Office of the Ombudsman kaugnay ng kanilang pagkakadawit sa shabu cover up noong nakaraang taon.

Ayon kay dating PDEG Director Police Brig. Gen. Narciso Domingo, gusto niyang matapos ng mabilisan ang isinampang kaso laban sa kanya bago siya magretiro sa Mayo ng susunod na taon.

Ikinalungkot din ni Domingo ang pagkakadawit niya sa kaso na siya na nga raw ang naging instrumento para makumpiska ang pinakamalaking shabu sa kasaysayan pero siya pa ang nakasuhan.

Samantala, nirerespeto naman ni Police Col. Julian Olonan, ang desisyon ng Napolcom na isama siya sa mga sinampahan ng reklamo.

Si Olonan ay ang dating head ng PDEG Special Operations Unit Region 4A at kabilang sa mga rumesponde noong nasabat ang 990 kilo ng shabu.

Iginiit rin ni Olonan wala siyang kinalaman sa di umano’y cover up na nangyari. //CA, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *