Sharon Cuneta: Hermès, may sinusunod lang na COVID-19 protocol kaya di nakapasok 

Naglabas ng paglilinaw si Sharon Cuneta kaugnay sa hindi pagpapapasok sa kanyang ng luxury brand na Hermès sa South Korea, kamakaian.

Ayon sa aktres, ay sinusunod lamang daw na panuntunan laban sa COVID-19 ang mga tauhan nito.

Kasabay nito, nanawagan si Sharon sa kanyang mga tagahanga na huwag sumama ang loob laban sa Hermès boutique shop.

Giit ng singer-actress, ang mga branded stores daw lalo na sa Amerika ay may tuntuning nagpapapasok lamang ng iilang tao sa kanilang mga shops sa partikular na oras, sa katunayan, ang ibang mga branded stores ay nagse-set pa ng appointment para sa mga kliyente nito.

Sa panig umano ng Hermès, ay may appointment scheduling via smart phones.

Mababatid na viral ang bahagi ng YouTube vlog ni Sharon tungkol sa pagtanggi ng Hermès na papasukin siya sa kanilang branch sa Seoul.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *