Mga gawaing may kinalaman sa pagdiriwang ng world rabies day, isinagawa sa 2 barangay sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Sa pagdiriwang ng World Rabies Day nitong Sabado, October 1, 2022, nagsagawa ang City Veterinary Office ng Legazpi ng Anti-Rabies Awareness Orientation at Responsible Pet Ownership Seminar sa Brgy. Cabangan at Maslog ng nasabing lunsod.

Pinangunahan ni Dr. Emmanuel Estipona, head ng nasabing opisina kasabay ang mga opisyal ng mga barangay ang nasabing gawain.

Ayon kay Estipona, pinukaw ng mga ito ang mga may-ari ng aso na bigyang-daan ang kahalagahan ng pagiging responsible pet owner.

Dahil dito, kinakailangang puksain o tuldukan na ang problema sa mga galang aso mula noon at hanggang ngayon sa pamamamgitan ng Barangay Responsible Owners of Dog (BROD) program.

Hinihintay na lamang sa lunsod na maipasa ang ordinansa upang mabigyang-parusa ang mga pabayang nag-aalaga ng nasabing hayop.

Sinabi ng tanggapan na ipinagpapatuloy pa rin nito ang operasyon sa paghuli ng mga asong gala at pagbabakuna ng halos 80% ng mga galang aso sa lunsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *