‘Show cause order,’ inisyu ng Comelec sa isang kandidato sa Sorsogon

Pinadalhan ng ‘show cause order’ ng Commission on Elections (Comelec) ang isang kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ito ay dahil sa post nito sa social media.

Ayon kay Comelec Prov’l Supervisor Atty Calixto Aquino, bawal na bawal itong gawin ng kandidato. Maaari aniya itong maharap sa patong-patong na kaso kabilang na ang diskwalipikasyon at 6 na taon na pagkakulong.

Paalala nito sa mga aspirante at incumbent, ang post sa social media na kahit hindi ito magsabi na iboto, at ang presensya na halimbawang namimigay ng mga ayuda mula sa resources ng Barangay ay paglabag na rin sa premature campaigning..

Kinakikitaan naman na basehan ng ibang nagrereklamo na maaring mag-file ng premature campaigning ang makikitang posts na may paglabag sa Tiktok, Instagram, facebook at You tube.

Ayon pa sa opisyal, maaari namang mag-post ang isang kandidato sa social media subalit dapat hindi ito kakikitaan ng paglabag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *