Show cause order sa driver na naglalaro ng mobile games habang nagmamaneho – ilalabas na

Viral ngayon ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho ang isang driver na ayon sa kanyang pasahero ay naglalaro ng mobile games.

Ayon sa LTFRB posibleng maharap sa kasong anti destructive driving act ang driver habang ang kumpanya ng bus ay maaari ring panagutin.

Maglalabas din ang ahensya ng show cause order laban sa driver at sa kumpanya ng bus.

Depensa naman ng driver, nagbukas lang siya ng app pampawala umano ng antok pero hindi siya naglalaro.

Handa rin daw siyang humarap sa imbestigasyon ng LTFRB, lalo’t ipinagbabawal sa batas ang distracted driving.

Base sa Republic Act 10913 itinuturing itong destructive driving kaya bawal sa mga driver ang magsulat, magsend at magbasa ng texts, tumawag at tumanggap ng tawag pati maglaro at iba pa habang umaandar o nakatigil sa stop light.

Exempted naman sa mga patakaran ang mga emergency call o nagmamaneho ng emergency vehicle tulad ng ambulansya at fire trucks habang gumagawa ng emergency assistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *