Signal No. 1 & 2, nanatili sa maraming lugar dahil sa TS ‘Maring’

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signals 1 at 2 sa maraming lugar habang patuloy na lumalapit ang Tropical Storm “Maring” sa Extreme Northern Luzon.

Base sa huling Tropical Cyclone bulletin ng PAGASA kaninang alas-5 ng umaga ay sinabi na nakataas ang signal number 2 sa Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, at sa northern portion ng Isabela.

Nasa ilalim rin ng signal number 2 ang Apayao, Kalinga, Mountain Province, Abra, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.

Nag-abiso ang PAGASA na maaring maranasan ang katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan sa Batanes, Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, Cordillera Adminsitrative Region, at Ilocos Region.

Idineklara naman ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Ifugao, Benguet at La Union.

Signal number 1 rin sa Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, at northern portion ng Bataan.

Ipinunto ng PAGASA na posible ang mahina hanggang sa mabigat na buhos ng ulan sa Central Luzon at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *