SIM Registration Act, lagda nalang ni Duterte ang kulang

Kinumpirma ni Senator Sherwin Gatchalian, na ang panukala na naglalayung iparehistro ang mga SIM cards, ay naipadala na sa Malacañang para sa lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Gatchalian, ang panukala ay magpipigil sa mga tao na gumamit ng cellphones para i-harass at i-bully ang iba, o makagawa ng fraud.

Binigyang diin ng senador na ang cellphones ay ginagamit rin kasi bilang triggering devices para sa mga bomba.

Giit ng mambabatas, na walong taon ang iginugol niya para makarating ang panukala sa kinaroroonan nito ngayon, kaya malaki umano ang kanyang paniniwala na makakatulong ito na mapababa ang mga krimen.//MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *