PH, nagtala ng 8,361 new COVID infections

Inihayag ng Department of Health na nasa 8,361 na mga bagong kaso ng COVID-19, ang naitala sa bansa, dahilan para tumaas pa sa 3,609,568 ang total case count.

Dahil dito, nasa 126,227 pa ang active cases, kung saan 4,864 ang asymptomatic; 116,598 ang mild; 1,447 ang severe; at 310 ang nasa kritikal na kondisyon.

Sa gitna nito, tumaas ang total recoveries sa 3,428,815, matapos gumaling ang 18,431 pang pasyente mula sa viral illness, habang ang death toll ay umakyat rin sa 54,526, dahil sa 312 na mga bagong fatalities.

Samantala, sinabi ng DOH na ang positivity rate sa bansa ay nasa 21.5% pa.

Sa kabilang dako, sa bagong datos mula sa naturang ahensya, lumalabas na 42% ng intensive care unit sa bansa ay utilized, habang 22% ng mechanical ventilators ay ginagamit rin. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *