Simbahan sa Capalonga pinaalalahanan ang mga nagsisimba na magsuot pa rin ng face mask

CAMARINES NORTE- Pinaalalahanan ng panumuan ng Shrine of Jesus the Black Nazarene at Parish of St. Lucy Virgin and Martyr sa Capalonga, Camarines Norte ang mga magsisimba na magsuot pa rin ng face mask sa loob ng simbahan.

Ayon sa Parish Priest at Rector ng naturang simbahan na si Father Salvador Babala IV, wala pang ipinapalabas na kautusan ang lokal na pamahalaan na maaari nang magtanggal ng face mask.

Paalala ng pari na importanteng magsuot ng face mask lalo na at may pagkakataon na nagsisiksikan sa loob.

Mababatid na tuwing araw ng Biyernes lalo na kapag unang Biyernes ng buwan ay dinarayo ang naturang simbahan ng mga deboto na galing pa sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

Matatandaan na kamakailan lang ay niluwagan ng gobyerno sa pamamagitan ng Executive Order ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang face mask mandate.

Hindi na mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga outdoor spaces.

Samantala, nasa 96. 8 percent na ng 23, 987 na target population sa naturang bayan ang bakunado na kontra COVID- 19.

Nasa 21, 162 naman o o 88. 2 percent ay fully vaccinated na habang2, 043 o 8. 5 percent ay nakatanggap na ng unang booster shot.

Ang Capalonga lang din ang bayan sa lalawigan na nakaabot na ngayon sa 50 percent vaccination coverage sa mga batang edad 5- 11.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *