100K students maaring makatanggap ng cash aid sa huling araw ng payout sa Sabado – DSWD

Aabot pa sa 100,000 mga estudyante ang maaring makatanggap ng cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa huling round  ng distribution sa Sabado, Sept. 24.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at spokesperson Romel Lopez, mayroon pa umano silang nalalabi na halos P200 million.

Ang naturang programa ng DSWD ay layuning matulungan ang mga indigent students mula sa elementary hanggang college o vocational level sa pamamagitan ng one time cash aid.

Sinabi ni Lopez, na nakapagbigay na sila ng halos P1.3 billion na tulong sa 520,000 students, na lampas sa kanilang initial goal na 400,000 benepisyaryo.

Noong nakaraang linggo naman nang sabihin ng DSWD na ikinokonsidera nila ang one-time extension ng assistance program, pero depende umano ito sa availability ng pondo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *